This is my first spoken word video here in Tumblr. It’s in Filipino. Enjoy! :)
Hatid by Renaldjlv
Batid na mula simula
Hindi pa man nasasambit ni isang salita
Mali man tayo sa ating mga pinipili
Tama lamang na ‘di magpaalipin sa mga bagay na pinipilit
Hindi tayo mangyayari
Hindi maaari
Isa lamang akong dayuhan
Nakisilong sa iyong atensyon
At sapat nang ako’y nabahagian
Ang makilala ka ang tanging misyon
Hatid ko mula simula
Ang hindi ko isasambit na tatlong salita
Mali man tayo sa ating mga pinipili
Tama lamang na ‘di magpaalipin sa mga bagay na pinipilit
Hindi tayo mangyayari
Hindi maaari
Isa lamang akong tauhan
Napadaan sa iyong istorya
At sapat nang ika’y napagsilbihan
Ang makilala ka ang tanging saya
Wala nang ibang hiling
Kungdi isabuhay ang mga salitang alam mo nang aking sasabihin
Sa aking paghimbing.
background music: Karmic by Greyhoundz










